Ramos: Hindi Ko Palalampasin Ang Mga Kapalpakan Ng Administrasyong Duterte

Muling binatikos ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang mga kapalpakan diumano ni Pangulong Duterte.

Si Ramos at iba pang mga naniniwalang naging biktima ng Martial Law ay nasa Kampo Aguinaldo upang gunitain ang People Power.

Ani Ramos, kulang raw ang kahalagahang ibinibigay ng administrasyong Duterte sa paggunita sa People Power. Uniti-unti raw nawawala ang pagkilalala at paggunita ng mga tao sa naunang People Power sa ilalim ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon.

Must Read: Why Duterte Should not Listen to Former President Fidel “Travel Maniac” Ramos

Binatikos din ng dating pangulo ang mga diumano’y hindi magandang hakbang ng Pangulong Duterte kagaya ng mga sumusunod.

  1. Pag-take over ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) a operasyon kontra droga mula sa PNP (Philippine National Police). Hindi raw dapat na PDEA and mamuno sa operasyon kontra droga.
  2. Pag terminate ng peace talks sa pamamagitan ng gobyerno at rebeldeng New people’s Army. Ayon kay Ramos, hindi raw dapat dinidikdik ang mga NPA. Dapat umano ay nililigawan ito. Matatandaang lumakas ang NPA noong panahon ni Ramos bilang Presidente.
  3. Pagtatapon ng mga tiwaling pulis sa Sulu at Basilan. Honor places daw ang Sulu at Basilan kung kaya’t hindi dapat dinadala rito ang mga tiwaling pulis.
  4. Dagdag pa ni Ramos, hindi raw dapat ibalik ang Philippine Constabulary dahil tapos na ang silbi nito at walang nangyaring maganda.



Loading...

Hindi idenitalye ng dating pangulo kung ano ang ibig niyang sabihing “hindi ko palalampasin ang kapalpakan ng administrasyong Duterte”, ngunit marami ang nainiwala na nagpapapansin lamang ang dating palubog na Pangulo. /Lito Banayo/